(2025.10.02)
Ang "Night School" ay programa para sa mga dayuhang hindi nakatapos ng kanilang obligadong edukasyon sa sariling bansa. Dito, puwede silang muling mag-aral at humabol sa kanilang pag-aaral.
Upang mas makilala ang night school, magsasagawa ng experience event kung saan puwede mong subukan ang klase mismo. Libre ang paglahok!
【Araw】 Oktubre 31 (Biyernes) 18:20 - 20:00
Nobyembre 1 (Sabado) 13:20 - 15:00
【Lugar】Takayama Citizen's Cultural Hall, 3rd Floor Learning Room (3 minutong lakad mula sa JR Takayama Station, West Exit)
<Tono Venue>
【Araw】Nobyembre 7 (Biyernes) 18:20 - 20:00
Nobyembre 8 (Sabado) 13:20 - 15:00
【Lugar】Valor Cultural Hall (Tajimi City Cultural Hall), 2nd Floor Practice Room (12 minutong lakad mula sa JR Tajimi Station, North Exit)
○Paano Sumali
Kinakailangan ang paunang pagpaparehistro. Mag-apply sa link na ito:
https://logoform.jp/form/T8mB/1117249
※Deadline ng aplikasyon: Oktubre 24 (Biyernes)
※Puwede ring sumama ang isa pang miyembro ng pamilya bilang kasama sa klase.
○Ang flyer ay makikita rin sa iba't ibang wika sa website ng Gifu Prefectural Board of Education:
https://www.pref.gifu.lg.jp/site/edu/431849.html
※May bersyon sa English, Chinese, Portuguese, at Tagalog and flyer
※Ang mga tanong sa aplikasyon ay mayroon ding translation sa apat na wikang nabanggit para gabay sa pagsagot.