Pangunahing Pahina
Impormasyon mula sa GIC
Kailangan magpasa ng "Tozan Todoke" (Hiking registration) pag aakyat ng bundok !

Kailangan magpasa ng "Tozan Todoke" (Hiking registration) pag aakyat ng bundok !!!

 

 Ito ay paalala mula sa Gifu Prefecture Crisis Management Department, Disaster Prevention Section, Mountain Rescue and Volcano Countermeasures Office.

 Kapag aakyat kayo sa mga bundok sa North Alps area gaya ng (Mt. Nishihotakadake, Mt. Sugorokudake at iba pa), pati na rin sa Mt. Ontakesan, Mt. Yakedake, Mt. Hakusan, at Mt. Norikuradake, obligado kayong magsumite ng "Tozan Todoke"  ayon sa batas ng prefecture.

 Kung hindi kayo magsusumite ng "Tozan Todoke" at aakyat pa rin ng bundok, maaari kayong pagmultahin ng hanggang 50,000 yen.

 

 Para sa karagdagang impormasyon, tingnan sa ibaba.

 Form sa Pag-akyat ng Bundok.pdf