Pangunahing Pahina
Impormasyon mula sa GIC
Mag-ingat sa mga aksidente sa dagat ngayong Golden Week!!! (Paalala mula sa Tsuruga Coast Guard)

Mag-ingat sa mga aksidente sa dagat ngayong Golden Week (GW)!!!

 Tuwing Golden Week sa Fukui Prefecture, maraming aksidente ang nangyayari gaya ng pagkasira ng makina ng mga pleasure boat at mini boat, at pagkahulog ng mga mangingisda sa dagat.Marami ring aksidente ang kinasasangkutan ng mga bisitang galing sa labas ng Fukui.

 Para masigurong ligtas at masaya ang inyong karanasan sa dagat, may ilang paalala ang Tsuruga Coast Guard

Kapag maglalaro o mamamasyal sa dagat、

  ◎Tingnan muna ang lagay ng panahon at magplano ng maayos!

  ◎Magsuot palagi ng life jacket at mag-ingat sa paligid!

  ◎Maghanda ng paraan para makipag-ugnayan (tulad ng cellphone), at kung maaari, huwag mag-isa!

 

Sundin ang tatlong paalalang ito para ligtas kayong makapag-enjoy sa dagat ngayong GW!

Sa mga nakaraang taon, dumami ang aksidente na may kinalaman sa mini boat. Kaya siguraduhing maayos ang kondisyon ng bangka bago pumalaot. Magpa-inspeksyon muna kung kinakailangan.

 

Kung may aksidenteng nangyari sa dagat, tumawag agad sa Coast Guard sa numerong 「118」!

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ligtas na pamamasyal sa dagat↓

Water Safety Guide

https://www6.kaiho.mlit.go.jp/watersafety/ 


Para sa impormasyon tungkol sa lagay ng dagat at panahon

https://www6.kaiho.mlit.go.jp/08kanku/tsuruga/kinkyu.html

【機1】WSGマリレ海難防止啓発フライヤー(英語)_20230718Ver_1_1.jpg

ミニボートに乗船する際の注意事項1(日本語).JPGミニボートに乗船する際の注意事項2(日本語).JPG