Japanese Class for beginner
Takayama City Culture Hall
(Takayama-shi Shoma-machi 1-188-1)
5 minutes na lakad lang mula sa JR Takayama Station West Exit.
May parking lot silang available (Free)
Format ng Silid-aralan
① Japanese Class para sa Zero Level, ang klaseng ito sa pagtuturo ng basic Nihongo na kailangan niyo para sa inyong araw-araw na pamumuhay dito sa Japan.
② Conversation-Focused Class Dito ang focus ay sa praktikal na pakikipag-usap. Ang lahat ng learning materials ay ihahanda na ng aming mga instructor para sa inyong pag-aaral.
③ Fun Learning sa pamamagitan ng Games, gagamit kami ng educational games at activities bukod sa textbooks para mas maging enjoyable at hindi boring ang inyong pag-aaral ng Japanese.
Target / Pamantayan sa Paglahok
Para sa mga nakatira o nagtatrabaho sa Takayama City
- Panahon
2 Semesters kada taon
April ~ September (1st Semester)
October ~ March (2nd Semester)- Araw / Oras
Wednesday, 6:45 PM to 8:00 PM
- Mga Bayad atbp
-
Participation Fee
6,000 yen / per semester - Pagpapalista / Enrollment
February at August
(Puwedeng sumali kahit nasa kalagitnaan ng semester)- Uri ng Klase
-
Classroom-style
- Mga Nilalaman ng Klase
-
Pakikipag-usap/Gramatika/Pagbasa at pagsulat
- Antas ng Klase
Beginner o Entry-level (Basic level)
- Pagpapakilala ng Organisasyon
-
Ang Hida Takayama International Association (na-establish noong July 24, 1987) ay nagsusulong ng internationalization sa Lungsod ng Takayama. Ang opisina nito ay nasa loob ng Takayama City Hall, at kasalukuyang pinapatakbo ang mga proyekto nito sa ilalim ng Mayor’s Office, Secretary and Relations Division.
- Mensahe
-
① Japanese Class para sa mga Beginners (Zero-level) Matuto ng Nihongo mula sa isang expert instructor na may mahabang karanasan sa pagtuturo. Kahit zero knowledge o wala ka pang alam sa Japanese, walang problema! Sabay-sabay nating pag-aralan ang mga basics na kailangan mo sa araw-araw na pamumuhay.
② Masayang Pag-aaral at Conversation Practice Bukod sa textbooks, gagamit din tayo ng mga games para mas maging masaya ang pag-aaral. Para ito sa mga gustong mag-focus sa speaking practice. Halika at sabay-sabay nating i-improve ang iyong communication skills habang nag-e-enjoy!
Maaari ba akong magsama ng mga bata?
Pwedeng magsama ng baby o bata pero kailangan muna mag-consult o magtanong sa teacher, at pwede lang sila isama kapag binigyan ka ng permiso.