Unahan ng Pahina > Abiso ng iba pang mga organisasyon
Abiso ng iba pang mga organisasyon
Iniimbitahan sa home game ng FC Gifu ang lahat ng mga dayuhang mamamayan sa Prepektura!

Iniimbitahan ang lahat ng dayuhang nakatira sa Prepektura ng Gifu sa labang 「Avispa Fukuoka」 na gaganapin sa Nagaragawa Stadium nitong Nobyembre 23 (Lunes/Holiday・Araw ng Manggagawa) .

 

Sa mga dayuhang pupunta sa stadium sa nasabing araw, magdala ng ID na magpapatunay na nakatira sa Prepektura ng Gifu. 

 

*Residence Card, Special Permanent Residence Certificate, Residence Registration Card atbp.

Ibibigay ang tiket ng imbitasyon sa eksklusibong booth na nasa harap ng stadium.

 

 

■Petsa at Oras     : Nobyembre 23,2015 (Lunes・Araw ng Manggagawa)

             *14:00                 Umpisa ng Laro

             *12:00                 Umpisa ng Pagpasok sa Stadium

             *11:00 ~ 14:00      Pamimigay ng Libreng Imbitasyon sa mga Dayuhan

             *Iga-guide kayo sa main stand, walang reserbasyon o maaaring mamili ng upuan.

 

■Lugar            : Gifu Memorial Center Nagaragawa Stadium

          *Ang eksklusibong booth ay isang tent na nasa tapat ng stadium gourmet (food stall) na matatagpuan pagbaba sa deck na nasa kanang bahagi kapag nakaharap sa entrance gate ng stadium.

 

■Makipag-ugnayan sa : Gifu Football Club Co., Ltd.

 Tel. No. 058-231-6811

  http://www.fc-gifu.com/