(2021.01.22)
【"Pagdeklara Ng Medikal Na Krisis" Mensahe Ng Gobernador Hinggil Sa Anunsyo】
Sa Prepektura, ang pinagsama-samang bilang nang mga nahawaan hanggang ika-24 ng Disyembre ay umabot sa 1,895 katao, noong ika-23 at ika-24 ng Disyembre ang maximum na bilang nang mga nahawaan bawat araw ay nasa 56 katao na mataas sa talaan, higit pa sa dati ang malaking alon na tumama.
Batay sa reyalidad na ang sistemang medikal sa Prepektura ay nasa mahirap o nasa isang kritikal na sitwasyon, kinakailangan na mabawasan ang bilang nang mga nahawaan, kaya mangyari lamang na gumawa ng karagdagang hakbang upang maiwasan ang impeksyon sa katapusan ng taon at sa bagong taon.
○Mga Hakbang Sa Unang Pagbisita
・ Halimbawa, ipagpaliban muna ng isang linggo ang unang pagbisita, iwasang sumamba sa unang 3 araw ng bagong taon
(Sapagkat ang unang pagbisita ay siksikan nang mga sumasamba, napakataas ang peligro ng impeksiyon)
○Mga Hakbang Sa Kabataaan
・ Mangyaring pigilin ang pagpunta sa Prepektura ng Aichi hangga't maaari
・ Pigilan muna ang sarili na dumalo sa year-end party, countdown, new year's party, drinking party kasama ang mga kaklase, at iba pa, kumain at uminom kasama ang maliit na bilang nang mga tao na palaging kasa-kasama
Ngayong katapusan ng taon at bagong taon ang "All Gifu" kapag may masusing mga hakbang sa pag-iwas sa impeksiyon, banayad na darating ang bagong taon, at magkakaroon ng isang maaliwalas na tagsibol (spring), salamat sa inyong kooperasyon.
Mensahe ng Gobernador
Disyembre 14, 2020
Intensive na Pag-iingat sa Year-end at New Year Holiday na may Mataas na Risk ng Impeksyon
Ang prepektura ay nahaharap ngayon sa problema ng pagkalat ng impeksyon na hindi pa natin naranasan noon dahil nakita natin noong Disyembre 12 ang pinaka mataas na bilang ng mga infected, 55 katao, sa isang araw at nagkaroon din ng 29 clusters mula Nobyembre.
Kailangan nating gumawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang buhay ng bawat isa, maiwasan ang pagbagsak ng medical care system, at maiwasan ang karagdagang pagtaas sa bilang ng mga kaso. Sa Year-end at New Year (12/15 ~ 1/12) kung saan mataas ang peligro ng pagkalat ng impeksyon, hinihiling namin na gawin ninyo ang mga sumusunod na intensive measures.
(1) Iwasan ang hindi kinakailangang paglabas-pasok ng prepektura, lalo na sa Aichi Prefecture.
l Iwasan ang pagpasyal sa ibang mga prepektura at pigilan ang "pag-uwi sa probinsiya".
l Iwasan ang mga event na mataas ang risk ng impeksyon lalo na ang mga Christmas Party, Year-end Party, New Year Party, unang pagbisita sa temple, after-party ng Coming-of-Age Ceremony, atbp.
(2) Preventive measures sa Pagkain at Pag-inom
l Iwasan ang "pagkain at pag-inom kasama ng malaking bilang ng tao (5 o higit pang mga tao) maliban sa mga kasambahay", "pagkain at pag-inom na may alak" pagkalipas ng 9:00 ng gabi, at "pagpunta sa mga inuman at kainan na may entertainment" (kung kakain o iinom ang madalas magkasamang mga tao, gawin sa maliit na bilang ng tao)
Patuloy nating lubusan ipatupad ang mga hakbang sa pag-iwas ng impeksyon sa "All Gifu" at pagtagumpayan ang Year-end at New Year holiday.
COVID-19 Preventive Measures sa Year-end at New Year Holidays
Mensahe ng Gobernador ng Aichi, Gifu at Mie
【Sitwasyon ng COVID-19 Infection sa 3 Prefectures】 Mahirap mabatid ang sitwasyon sa bawat prefecture na lumagpas sa 2nd wave at nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga infected na tao kailanman. Nagkakaroon ng mga infections at clusters/ kumpol sa mga "welfare o medical facilities", "gatherings/ kainan at inuman ng madaming tao", sa "paaralan", "foreign community", "sa lugar ng trabaho", "mga inuman at kainan na may entertainment", atbp.
|
Ang bilang ng mga infected ay mabilis na tumataas sa buong bansa at sa tatlong prepektura ng Tokai. Mangyaring ipagpatuloy ang mahigpit na pagsunod sa mga infection control measures upang malagpasan ang 3rd Wave at ligtas na masalubong ang bagong taon.
Para sa mga Mamamayan ng Prepektura
Magingat kapag pupunta ng ibang prepektura
※ 'Mga pagtitipong may inuman, atbp.', 'Kainan at inuman ng maraming tao na idinaraos ng mahabang oras', 'Pag- alis ng mask habang nakikipag- usap', 'Magkasamang pamumuhay sa masikip na lugar', at 'Mga lugar na parating labas- pasok ang mga tao'
Masusing mga hakbang sa pag-iwas sa impeksyon sa pag-uwi
Mag-ingat sa inuman at kainan na gatherings tulad ng New Year Parties
Masusing mga hakbang sa pag-iwas sa impeksyon sa Seasonal Events
Muling i-check at gawin ang masusing mga hakbang sa pag-iwas sa impeksyon
Sa lahat ng mga operator ng negosyo at manager ng pasilidad
Pagwatak-watakin ang bakasyon ng inyong staff nitong New Year period
Kumpirmahin muli ang masusing mga hakbang sa pag-iwas sa impeksiyon
Pagsaalang- alang ng Human Rights kaugnay sa COVID-19
Gumawa tayo ng lipunan na hindi nagdi-discriminate o sumisira ng puri ng mga taong nahawaan, taong kabilang sa samahan kung saan naganap ang impeksyon o taong mga umuwi mula sa labas ng prefecture, at paglabas nito sa SNS o paggawa ng tsismis, atbp.
Disyembre 15, 2020
Gobernador ng Aichi Prefecture Mr. Hideki Omura
Gobernador ng Gifu Prefecture Mr. Hajime Furuta
Gobernador ng Mie Prefecture Mr. Eikei Suzuki
Mensahe ng Gobernador (Nobyembre 25)
Sa lahat ng Mamamayan ng Prepektura: Pagpigil sa Paglawak ng "3rd Wave" sa New Year Holiday |
Nobyembre 25, 2020
1 "Upang Hindi Mahawa": Iwasan ang mga 'risks' nitong new year holiday
〇 Mula Setyembre, ang mga "cluster" sa prepektura ay nagmula kadalasan sa mga inuman at kainan.
〇 Dadami ang mga high-risk na sitwasyon tulad sa mga Year-end Party, New Year's Party na kasama ang mga kamag-anak, "Coming-of-Age Ceremony" after-party, atbp.
⇒ Nitong new year holiday, lubusang iwasan ang mga high risk na sitwasyon tulad ng inuman at kainan ng malaking bilang ng mga tao (5 o higit pa) maliban sa mga kasambahay at inuman at kainan na may aliwan, atbp. Palaging magsuot ng mask bago at pagkatapos kumain.
2 "Upang Hindi Maka Hawa": Sa oras na sumama ang pakiramdam, STOP all activities
〇 Dumami ang impeksyon sa prepektura dahil sa mga lumalabas kahit na masama ang pakiramdam.
〇 Halimbawa na lamang ang mga kaso sa pagdiriwang ng "Obon" noong summer, kung saan ang mga taong may masamang pakiramdam ay umuwi sa bayan at naka hawa sa kanilang pamilya.
⇒ Kung naramdaman na hindi maganda ang pakiramdam, iwasan na ang paglabas-labas, pagpasok sa trabaho at paaralan. Agad na kumunsulta sa medikal na institusyon.
⇒ Iwasan din umuwi sa bayan nitong New Year holiday kung hindi maganda ang pakiramdam.
3 "Pagulit-ulit ng Basics": Mask , Paghugas ng Kamay, Tamang Distansya
〇 Ang winter ay dry season kung saan ang iba't ibang mga nakakahawang sakit ay mabilis kumalat.
⇒ Maaaring ikaw rin ay isang "asymptomatic infected" na tao. Kaya't kailangan palaging naka mask. Siguraduhing maghugas ng mga kamay pagkagaling sa labas, bago at pagkatapos kumain, at kapag humawak ng mga bagay sa labas.
4 "Magtulungan": Protektahan ang sarili sa bahay at sa trabaho
〇 Malaki ang posibilidad na kumalat ang impeksyon sa mga pamilyar na lugar tulad ng sa trabaho at sa bahay.
⇒ Magtalaga ng "Gifu Corona Guard" sa trabaho at sa bahay upang mag-check araw-araw kung ginagawa ng bawat isa ang pag-iwas sa impeksyon tulad ng pagkuha ng temperature, paggamit ng mask, paghuhugas ng kamay, atbp. Isaisip ang pag-iingat sa sarili.
5 "Virus ang Kalaban": STOP "COVID-19 Harassment"
〇 May pag-aalala rin na sa pagdami ng infected na tao, darami rin ang magiging kaso ng COVID-19 Harassment.
⇒ Ipaalam sa trabaho, paaralan at tahanan na bumubuo tayo ng isang lipunan na hindi nagpapahintulot ng "COVID-19 Harassment" sa mga taong nahawahan, sa kanilang pamilya, organisasyong kasapi, nasyonalidad, atbp.
⇒ Kung naka ramdam ng COVID-19 Harassment, nakita o naririnig ito, agad na kumunsulta sa Consultation desk.
※Ireport sa Legal Affairs Bureau ang mga pinaghihinalaang may violation sa Human rights. Prefectural Human Rights Awareness Center 【058-272-8252】 Para sa konsultasyon sa wikang banyaga, mangyaring makipag-ugnay sa Consulation Center para sa mga Banyagang Residente ng Prepektura ng Gifu 【058-263-8066】
|
Mensahe para sa lahat ng Mamamayan ng Prepektura
STOP! "COVID-19 Harassment"
(1) Virus ang dapat labanan, hindi ang tao
Kahit sino sa atin ay maaaring mahawahan. Ang taong nahawahan ay ang biktima at ang kaaway ay ang virus. Maging mapagmalasakit sa mga taong nahawahan, at sama-sama nating labanan ang virus.
(2) Malalaman kung ano ang dapat katakutan gamit ang wastong kaalaman
Ang panahon kung kailan makakahawa sa iba ang taong nagkasakit ay "mula 2days ng paglabas ng sintomas hanggang sa 7~10days pagkatapos lumabas ang sintomas". Ang mga taong na discharge sa ospital ay hindi nakakahawa. Magkaroon ng "wastong kaalaman" at huwag iwasan ang mga tao o matakot kung hindi kinakailangan.
(3) Huwag katakutan ang Grupo o Samahang kinabibilangan ng taong nahawahan
Sa prepektura, kapag nagkasakit ang miyembro ng isang grupo, lubusang inu- usisa ang mga close contact at agarang nagsasagawa ng inspeksyon. Hindi kailangang paalisin o katakutan ang taong nahawahan sa grupo.
(4) Huwag maglabas ng iresponsableng impormasyon
Huwag pag-usapan o palakihin ang mga walang batayang tsismis o pagkalat ng mga walang katotohanag impormasyon sa SNS tungkol sa infected na tao. Bilang karagdagan, iwasan maloko ng maling impormasyon, haka-haka, atbp. Iwasan din magkalat ng mga naririnig o nakikitang bagay.
Deklarasyon ng Pagpigil sa
"CORONA Harassment"
1 Ano ang "CORONA Harassment"?
Ang COVID-19 ay isang virus na hindi kilala ng sangkatauhan at kinatatakutan ng lahat.
Tanungin mo ang iyong sarili. Nang hindi mo namamalayan, dahil sa takot o hindi makatarungang palagay mo sa sakit na ito, nagkaroon ka ba ng diskriminasyon o tinanggihan mo ang ibang tao?
Ang mga sumusunod ba sa ibaba (CORONA Harassment ) ay hindi nangyayari sa paligid mo?
・Ang taong gumaling na sa sakit/ nakalabas na ng ospital ay tinanggihan sa loob ng tindahan at sinabihang "umuwi ka na"!
・Mayroong post sa internet na pinangalanan/ nalaman ang taong naging infected.
・Ang isang restawran ay nasiraan ng tsismis na nagkaroon ng taong infected.
2 Magkaroon ng "Konsiderasyon" at "Pasasalamat"
Kahit sino ay maaaring mahawahan ng COVID-19. Nilalabanan natin ang virus, hindi ang ating kapwa tao.
Magkaroon ng "konsiderasyon" at protektahan natin ang pagkatao ng mga nahawahan. Bilang karagdagan, "pasalamatan" natin ang mga medical staff at mga front liners na lumalaban sa sakit na ito.
Sa ganitong paraan natin pahalagahan ang ating ugnayan sa kapwa tao. Pagtagumpayan natin ang ganitong mga balakid sa ating pagkapwa tao.
〇 Ganap na tanggalin ang diskriminasyon sa mga pasyente, close contacts, health care workers at iba pang mga kawani ng medisina, mga dayuhan, mga bisita mula sa ibang lugar, kanilang pamilya at mga establisyemento.
〇Ang pagkalat ng maling impormasyon sa impeksiyon (fake) ay hindi mapapatawad. Kung padalos- dalos ito gawin, tulad ng pagpo-post sa SNS, nagdudulot lang ito ng pagkabalisa sa mga tao.
〇 Muli nating pasalamatan ang mga taong sumusuporta sa ating panatag na buhay. Una dito ang mga kawaning medikal mga taong kasangkot sa countermeasure laban sa COVID-19, (front liners), food distribution service, daily life security service, atbp.
2020 Setyembre 1
Gobernador at mga Mayor ng
42 Munisipalidad ng Gifu Prefecture
Bagong Style ng Pagdiriwang ng Pasko
〇Hinihiling ang Kooperasyon ng lahat ng Dayuhan
-
〇Hinihingi ang Kooperasyon ng Lahat ng mga Mamamayang Dayuhan sa Pagpigil ng pagkalat ng Impeksyon at Ipamahagi pa ang Impormasyon sa Iba pang mga Dayuhan ・Ganito Kumalat ang COVID-19
・Paano magpa check-up kung may mga sintomas tulad ng lagnat, atbp
①Tumawag at kumonsulta muna sa inyong doktor (familydoctor) o sa medikal institusyon malapit sa inyo.
②Kung walang family doctor, o kung hindi sigurado kung saan kukunsulta, tumawag sa mga "Consultation Centers".
③Sumunod sa sasabihin nilang gabay ng pagpapa check-up (kung sa malapit na ospital o sa na refer naibang medical institution, atbp).
※Gagawin ang pagsusuri (PCR test) kung sapalagay ng doktor ay kinakailangan.
※Nakalista sa Gifu Prefecture official website ang mga humingi ng publikasyon na medical institution para sa examination at treatment.
3,819 (89 sa labas ng Prepektura) na tao na ang Infected ng COVID-19 sa Gifu Prefecture
(2021 Enero 21 kasalukuyan)
Ang Sitwasyon ng COVID-19 sa Prepektura![]()
・"Batay sa sitwasyon kung saan tumataas ang bilang ng mga positibong pasyente dahil sa paglitaw ng mga cluster sa prefecture, naglabas ng sumusunod na mensahe ang gobernador upang maprotektahan ang buhay at kalusugan ng mga mamamayan, at masugpo ang COVID-19 sa lalong madaling panahon.
・Governor's Message (Oktubre 29)
・Governor's Message (Setyembre 1)
・Patuloy na Maging Alerto sa mga Aral na Natutunan mula sa Second Wave
・Governor's Message (Agosto 7)
・Governor's Message (Hulyo 21)
・Komprehensibong Plano para sa COVID-19 State of Emergency (Mayo 5)
・Governor's Message (Abril 24)
・Komprehensibong Plano para sa COVID-19 State of Emergency (Abril 20)
Listahan ng mga establisimiyento na hiniling na suspindihin ang pagpapatakbo
・Pagpapahayag ng State of Emergency (Abril 10)
・Governor's Message (Marso 27)
・Para sa mga Residenteg Mamamayan ng Gifu, i-click ang
・Critical Aspect sa pagpigil sa karagdagang pagkalat ng COVID-19:
・Listahan ng mga Consultation Centers para sa mga Returnees at mga Close Contact, i-click ang
Ang COVID-19 ay mabilis na kumakalat sa buong mundo, at maraming mga infected na tao ang naiulat sa Japan. Nakumpirma noong Pebrero 26, ang mga positibong pasyenteng infected ng COVID19 sa Prepektura ng Gifu. Dahil dito, mangyaring kumpirmahin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 at magsikap upang maiwasan ang pagkahawa. Kung nilalagnat o inuubo at hirap sa paghinga na nagpapatuloy ng mahabang panahon, mangyaring makipag-ugnay sa Consultation Desk sa ibaba bago kumunsulta sa isang Medical Institution.
■ Tungkol sa Consultation Desks, , pagsusuri, sistema ng paggamot sa Gifu
■ Tungkol sa mga pang araw-araw na gamit
Sa pagkalat ng COVID-19, nagaganap ang "panic buying" dahil sa maling impormasyon na kumakalat sa SNS, atbp. tulad ng "mauubusan ng tissue, toilet paper, atbp." sa prepektura. Karamihan sa mga produkto ay gawa sa Japan at hindi kakapusin ang mga ito. Hinihiling sa mga mamamayan na kumilos nang mahinahon at huwag maniwala sa mga impormasyon na walang batayan tulad ng mga haka-haka.
Ang mga pagbabago sa mga Prefectural Cultural Facilities (pagsuspinde ng ilan)
pati na rin ng ilang mga Sports Facilities
・Tungkol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)(2/27)
・Babala Ukol sa COVID-19
・Upang Maiwasan ang COVID-19 Outbreak
・Extension ng Oras ng mga Consultation Counters sa Wikang Banyaga ukol sa COVID-19
・Mga 5 eksena kung saan tumataas ang peligro ng impeksyon
・Impormasyon sa Special Fixed-Sum Cash Benefit (5/1)
・ Magbibigay ng Impormasyon at Suporta sa "LINE" para sa COVID-19
・Measures to reduce congestion at the immigration counters in order to prevent the spread of the coronavirus disease COVID-19.
・Para sa mga Dayuhang Nagtatrabaho sa Isang Kumpanya
・Benepsiyo at Suporta dahil sa COVID-19 para sa mga Empleyado at Employer (Tagalog)
Patnubay sa pag-mail (may translation sa 4 na wika)
Patnubay sa pagsusulat (may translation sa 4 na wika)
・NHK WORLD(18 wika)
・Patnubay sa Pansamantalang Emergency Loan Funds
・English Information from the Ministry of Health, Labor and Welfare website
○Awareness Posters (English):