(2015.06.11)
Ang mga sumusunod ay mga impormasyon may kinalaman sa pagsabog ng Mt. Ontake noong Setyembre 27, 2014.
Ang mga bulkanikong kaganapan ay patuloy na humihina, at ang posibiidad ng pangalawang pagsabog tulad o mas malaki pa kaysa sa pagsabog nitong nakaraang taon ng Setyembre 27 ay bumaba na rin.
Gayunpaman, dahilan sa patuloy ang bulkanikong kaganapan at pagyanig, may posibilidad pa rin na magkaroon ng mahihinang pagsabog.
Mga Babala para sa Pag-iwas sa Sakuna
Bilang resulta ng pagsabog, pinahihigpitan ang pagpunta sa Mt. Ontake
Huwag na huwag subukang pumunta sa Mt. Ontake
※1
Ibinaba ng Japan Meteorogical Agency noong Marso 31 ang lawak na kinakailangan ng pag-iingat (regulasyon sa pagpunta o pag-akyat sa bundok) mula sa lawak na mga 3 km. sa crater ay mga 2 km. at 2.5 km. na lawak sa timog-kanlurang bahagi lamang.
※2
Dahil hindi pa makumpirma ang kalagayan ng snow at ang kaligtasan sa trail ng bundok, kaya patuloy pa rin na ipinaghihigpit ang pag-akyat hanggang sa may 4km mula sa crater. (Gero City: entrance mula sa itaas ng Kosaka trail, Takayama City: trail entrance mula sa itaas ng Kurumishima Camp, bungad ng trail entrance mula itaas ng Chao Mitake Ski Resort:, gayundin mula sa itaas ng istayon ng Ski Gondola, trail entrance mula sa itaas ng Hiwada; ipinagbabawal ang pagpasok alinman sa 5 lugar na nabanggit.)